Connect with us

Aklan News

Cesar Montano, at prodyuser ng “Freedom Fighters” bumisita sa Tapaz, Capiz

Published

on

Bumisita ang action star at director na si Cesar Montano sa Sitio Hopevale, Brgy. Aglinab at Brgy. Katipunan sa bayan ng Tapaz, Capiz bilang paghahanda sa pelikulang ipapalabas sa buong mundo.

Kasama ni Montano na bumisita sa Tapaz ang producer ng pelikula na si Francis Lara-Ho ng Inspire Studios.

Itatampok ang ilang lugar na ito sa “Freedom Fighters”, isang action drama Hollywood film batay sa aklat na Guerrilla Wife ni Louise R. Spencer.

Ipapakita rito ang totoong kuwento ng ilang lokal na bayani noong World War 2.

Ang Sitio Hopevale ay makasaysayang lugar kung saan pinugutan ng ulo ang 12 Amerikanong misyonero na nag-alay ng kanilang buhay para sa kalayaan mula sa pamamahala ng mga Hapon.

Kasabay ng pagbisita ng aktor, nagbahagi ang Convention of the Philippines Baptist at Brotherhood of Capiz Riders sa pangunguna ni Pastor Russel Ban ng mga relief goods sa ilang residente na naapektuhan ng bagyong Ursula. “Our movie project Freedom Fighters is based on the book Guerrilla Wife by Louise R. Spencer.

It’s an incredible true story of epic courage, sacrificial love, and uncommon heroism of two groups of Americans during World War II. First, doctors, nurses, missionaries who stayed behind enemy lines to help local people devastated by war in Panay Island, Philippines.

They are the American missionaries of CPU, Filamer, and Emmanuel Hospital in Roxas. Second, the movie will be about mining engineers and guerrillas who fought the Japanese Imperial Forces,” pahayag ni Ho.

Makakasama ni Lara-Ho si Senador Manny Pacquiao bilang ko-prodyuser.

Ang senador ay gaganap rin sa pelikula bilang si Col. Macario Peralta Jr., isang lokal na bayani habang si Cesar Montano ay gaganap na Rev. Delfin Dianala.

Planong simulan ang proyekto ngayong Abril at ipapalabas sa mga senehan sa Disyembre.