Aklan News
CHAINSAW OPERATOR AT HELPER ARESTADO SA ILLEGAL NA PAGPUTOL NG KAHOY
Nabas Aklan-Arestado ng Nabas PNP ang chainsaw operator at helper nito matapos ilegal na magputol ng kahoy mga dakong 3:30 kahapon ng hapon sa Brgy. Toledo, Nabas.
Nakilala ang mga naaresto na sina Jose Risany Española, 52 anyos at residinte ng Brgy. Maloco, Ibajay at June Pines, 41 anyos residente naman ng Brgy. Mabusao, Ibajay, Aklan.
Kinumpiska ng Nabas PNP ang chainsaw ni Española matapos itong mag pakita ng expired na permit mula sa DENR ganundin ang mga kahoy na tinatayang umaabot sa 80.3 board feet na nagkakahalaga ng P2,810.
Matapos ang isinagawang inventory ay i-tinurn over din ng Nabas PNP ang mga nakumpiskang kahoy sa kay Forest Ranger Janry Yeban ng DENR Aklan.
Sa ngayon ay pansamantalang nasa kustodiya ng Nabas PNP ang mga suspek na nakatakdang sampahan ng kasong pag labag sa Presidential Decree 705 o Revised Forestry Code of the Philippines at Republic Act 9175 o unregistered Chainsaw Act.