Connect with us

Aklan News

CITY COUNCILOR TUTOL SA PLANONG PAGPAPALIT NG PERA SA BIGAS PARA SA MGA 4PS

Published

on

Roxas City – Tutol si Roxas City Councilor Jericho Angel Celino sa panukalang palitan ng bigas ang binibigay na pera sa mga benipisaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps). Nabatid na lusot na sa ikalawang pagbasa ang resolusyon sa Senado ni Senador Cynthia Villar na palitan ng bigas ang pera para sa mga 4Ps.

Sa kanyang privilige speech sa regular session ng konseho nagpahayag si Celino na malaking tulong ang pera para sa mga miyembro ng 4Ps sa pagpapaaral ng kanilang mga anak at allowances. Ayon pa sa konsehal, hindi ang benipisyo ang may problema kundi ang proseso.

Dapat aniya na mapunta lamang ang mga benipisyo sa talagang mga nangangailangan. Kailangan din umano ng disiplina sa mga miyembro ng 4Ps para sa tamang paggamit ng kanilang benipisyo. Sa kabilang banda, sinabi ni Konsehal Trina Ignacio na dapat aniyang kumpirmahin muna kung lahat ng benepisyo ay papalitan ng bigas o bahagi lamang bagay na sinang-ayunan naman ni Celino. Ayon naman kay Konsehal Doc Yap, dapat aniyang sumailalim muna sa pagdinig ang panukala ni Konsehal Celino.