Aklan News
City councilors mula sa Dangjin City sa SoKor, bumisita sa Kalibo
Namangha ang mga City Councilors ng Dangjin City sa South Korea sa kanilang pagbisita sa bayan ng Kalibo nitong Biyernes ayon kay Vice Mayor Cynthia dela Cruz.
Sa panayam ng Radyo Todo sa bise alkalde, sinabi niya na tinitingnan nila ang posibilidad na makagawa sila ng Sister City Agreement sa mga ito.
Nakitaan umano ng mga ito ang malaking potensyal ng Kalibo pagdating sa agrikultura at industriya na tulad din ng kanilang lugar na nadevelop at nag-improve.
“Naamaze sanda kasi mabahoe nga potensyal ang Kalibo dahil andang lugar nga Dangjin, parehas man kuno sa Kalibo pero sang nadevelop nanda hay nag improve mat-a so may potensyal gid-a,” saad ng bise alkalde.
Dinala rin nila ang mga bisita sa Pook sea side at nakitaan rin nila ito ng malaking potensyal lalo pa at malapit lang ito sa Kalibo International Airport.
“We’re trying our best nga madevelop man kita it mga support idto [Pook Port], like hotels, businesses para makuha man naton ang mga turista [sa Boracay],” dagdag pa nito.
Pag-aaralan pa umano nila ng mabuti ang mga posibleng investments na maaaring mailagay sa Kalibo.