Aklan News
CLOSED VAN NA PINAGHIHINALAANG MAY MGA KONTRABANDO, HINARANG SA CULASI PORT
Hinarang ng mga otoridad ang isang closed van sa Culasi Port sa Roxas City, Capiz matapos pagdudahang may laman itong mga kontrabando.
Kinilala ang driver ng nasabing closed van na si Rommy Manaleg ng Estancia, Iloilo.
Nabatid sa ulat ng Philippine Coast Guard-Roxas na batay sa deklarasyon ng sasakyan ay wala itong laman pero nang buksan ay tumambad ang saku-sakong mga abuno.
Lumakas pa ang hinala ng mga otoridad nang pausisain ito sa K9 dog dahil ilang beses itong umupo. Hudyat umano ito na may kontrabando sa loob.
Ang sasakyan ay mula Batangas Port at dumaong dito sa Capiz.
Nagsagawa ng inventory ang mga tauhan ng Coast Guard kasama ang mga taga-Highway Patrol Group, Roxas City PNP, at Maritime Police pero negatibo sa kontrabando ang naturang sasakyan.
Laman ng nasabing truck 637 na mga sako nga abuno. Walang maipakitang permit to transport at resibo ang driver ng sasakyan.
Palaisipan pa ngayon sa mga atoridad dito kung paano nakalusot sa Batangas Port ang nasabing sasakyan.
Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad sa nasabing insidente.