Aklan News
Coastal waters ng Camanci, Batan positibo pa rin sa red tide
Nananatiling positibo sa Paralytic Shellfish Poison (PSP) o Toxic Red Tide ang coastal area ng Camanci, Batan at iba pang lugar sa bansa.
Ito ay batay sa Shellfish Bulletin No. 25 series of 2023 na inilabas nitong October 26 ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).
Bukod sa Camanci, Batan, postibo pa rin sa red tide ang Sapian Bay (Ivisan at Sapian sa Capiz; Mambuquiao; coastal waters ng Pilar; President Roxas; Roxas City sa CAPIZ; coastal waters ng Gigantes Islands, Carles sa Iloilo; coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; at Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur.
Continue Reading