Connect with us

Aklan News

COFFEE TREE, TAMPOK SA SELEBRASYON NG ARBOR DAY 2019 SA AKLAN

Published

on

Balete, Aklan – Tampok sa pagdiriwang ng Arbor Day 2019 o tree planting sa Aklan ang pagtatanim ng puno ng kape.

Nakiisa ang lokal na pamahalaan sa pagdiriwang na naglalayong mapanatili ang kagandahan ng inang kalikasan sa pamamagitan ng pagtatanim na idinaos kaninang alas-6 ng umaga sa Feleciano, Balete.

Bago ang pagtatanim, ipinaliwanag muna ni Committee Chairman on Environmental Protection SP member Jay E. Tejada ang kahalagahan ng aktibidad at hinimok ang mga indibidwal at mga komunidad na magtanim ng mga puno at halaman para sa mga susunod na henerasyon.

Ang Arbor day ay itinakda sa bisa ng Republic Act 10176 o Arbor Day Act of 2012 na pirmado ni dating pangulong Benigno Aquino III noong taong 2012.

Sa ilalim ng batas na ito, ang mga Pilipinong edad 12 pataas ay obligadong magtanim ng kahit isang puno bawat taon.

Nag-iiba-iba ang petsa nito depende sa klima at akmang panahon ng pagtatanim sa isang lugar.

Samantala, sa pamamagitan ng Ordinance No. 006, Series 2014 ng pamahalaang lokal ng Aklan, itinakda ang ikatlong biyernes ng Agosto bilang Arbor Day sa buong probinsya ng Aklan.