Connect with us

Aklan News

Comelec- Aklan: Iprayoridad ang pagpaparehistro para sa BSKE

Published

on

“I-prioritize naton ro pag-adto sa Commission on Elections.”

Ito ang panawagan ni Commission on Elections (COMELEC) Aklan spokesperson Crispin Raymund Gerardo ilang araw bago ang matapos ang voter’s registration sa Enero a-31.

Ayon kay Gerardo dapat na samantalahin na ng mga kuwalipikadong maging botante ang natitirang araw upang makapagparehistro, mag-apply for transfer o magpa-reactivate para makalahok sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Oktubre.

Saad pa nito na wala nang ibang oras dahil hindi na magbibigay ng extention ang Comelec para sa pagpaparehistro.

Dagdag pa ng tagapagsalita na tuloy na tuloy na ang BSKE sa Oktubre at handa ang komisyon para sa darating na halalan kahit aniya mas mapaaga pa ito.

Kaugnay nito, hinihikayat ni Gerardo ang publiko na magparehistro na dahil bukas ang kanilang opisina mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.