Connect with us

Aklan News

COMELEC AKLAN: ‘MADAYON GID RO ELECTION’, ORAS NG PAGPAPAREHISTRO MAS PINALAWIG

Published

on

Photo Courtesy of Rappler

Tuloy na tuloy na ang gagawing eleksyon 2022 sa gitna ng pandemya sa bansa ayon sa Commission on Elections (COMELEC) Aklan.

Sinabi ni COMELEC Aklan Information Officer Crispin Raymund Gerardo, na natanggap na nila ang aprubadong COMELEC Resolution 10695 na naglalaman ng mga calendar of activities para sa May 9, 2022 national and local elections.

Ayon kay Gerardo, mas pinalawig pa ng COMELEC ang registration hours para dumami pa ang bilang ng mga bagong magpaparehistro at maabot nila ang target na 4 na milyong bagong botante.

Mula sa dating hanggang alas-3:00 ng hapon ay mas pinalawig pa ang registration hours ng hanggang alas-5:00 ng hapon mula Martes hanggang Sabado, dahil ang Lunes ay itinakda para sa disinfection.

Magtatapos ang pagpaparehistro sa ika-30 ng Setyembre 2021 kaya hiling nito sa publiko na kung maaari ay agahan na ang pagparehistro at huwag nang hintayin pa ang last hour bago pumunta sa opisina ng COMELEC.

Isang araw matapos ang deadline ng registration ay magsisimula na ang filling ng Certificate of Candidacy (COC), Oktubre 1 hanggag Oktubre 8, 2021.

Ipinaalala ni Gerardo ang kahalagan ng pagpaparehistro para makahalal ng nararapat na pulitiko sa darating na eleksyon.