Aklan News
Comelec-Aklan, nasa 80% na ang kahandaan para sa BSK election
Ipinahayag ni Comelec Aklan Spokesperson Crispin Raymund Gerardo na nasa 80% na ang kanilang kahandaan para sa Barangay at SK elections sa Disyembre a-5.
Ayon kay Gerardo isa sa kanilang tinututukan ngayon ay ang project of precincts sa lalawigan ng Aklan.
Aniya ang project of precincts ang kanilang magiging basehan sa pag-appoint ng mga guro o Board of Election Tellers na kanilang magiging katuwang sa darating na halalan.
Ito din ang magiging basehan para sa printing ng official ballot.
Samantala, inihayag ni Gerardo na puspusan ang kanilang paghahanda dahil sa panig ng Comelec Aklan ay tuloy ang BSK election.
Sa kabila umano ng may nakabinbin na panukala na nagpapaliban sa halalan, magpapatuloy pa rin sila sa kanilang mga preparasyon at titigil lamang sila kapag mayroon ng isang ganap na batas hinggil sa postponement ng halalan.
“Ro Project of Precincts raya ro mga presinto nga gina-establish naton para sa election. Ro project of precincts hay raya ro basehan para sa pag-appoint namon it mga teachers naton o Board of Election Tellers nga maga-render or magaserbisyo para sa aton nga election. Ag ro Project of Precincts hay raya ro ginabasehan para sa pagprint it aton nga official ballot. Ngani, importante gid ra imaw ag sa makaron nga tini-on, ro probinsiya it Aklan hay mahambae ko nga preparado ta kami sa pagpahaum makaron,” pahayag ni Gerardo.