Aklan News
Comelec-Aklan pinaalalahanan mga kandidato sa BSKE vs ‘premature’ campaigning


PINAALALAHANAN ng Commission on Elections (COMELEC) Aklan ang mga kandidato para sa Barangay and Sangguniang Kabataan Election BSKE 2023 na hindi pa maaaring mangampanya.
Ayon kay COMELEC-Aklan Spokesperson Crispin Raymund Gerardo, ang lahat na nagsumite ng kanilang Cerificate of Candidacy o COC ay awtomatikong itinuturing na opisyal na kandidato kung kaya’t maaari silang maharap o sampahan ng reklamong premature campaigning at disqualification.
Ipinaliwanag ni Gerardo na ang premature campaining ay ang pangangampanya ng isang kandidato kahit wala pang batas na nagtatakdang nagsimula na ang panahon ng pangangampanya.
“Ro ginatawag nga premature campaigning hay owa pa ro oras it pagpangampanya nga gintaeana it layi hay nagapangampanya eon ro sangka kandidato,” ani Gerardo.
Giit pa ng tagapagsalita, ang lahat ng mga materials gaya ng mga posters o tarpaulins kahit walang nakalagay na ‘vote for’ ay maituturing pa rin na pangangampanya.
“So kung maghambae ngani nga kampanya, once nga naghambae ron it advancement it kandidatura, kung naga-promote kita, kung gina-promote naton ro kadaeag-an, popularity nga makila… in other words, advancement nga makabuoe it pabor or makap-develop eagi imaw it mas manami nga plastada sa pinuino it mga tawo. Bale ginakondisyon na ro pinu-ino it tawo nga sambilog imaw sa madaeagan sa paaeabuton nga election,” paglilinaw ng tagapagsalita.
Samantala, magsisimula naman ang campaign period sa Oktubre 19 hanggang 28.