Connect with us

Aklan News

Comelec, dinagsa sa unang araw ng pagsisimula ng voter registration

Published

on

Photo| Spot.ph

DINAGSA ng publiko ang Commission on Elections (Comelec) Kalibo sa unang araw pagtanggap nila ng aplikasyon sa voter registration ngayong September 1.

Ayon kay Election Officer 3 Atty. Romel Benliro ng Comelec Kalibo, mahigpit na ipinapatupad sa opisina ang mga health protocols gaya ng ‘proper wearing of face mask and face shield’.

Pinagpayuhan rin ni Benliro ang publiko na magdala ng sariling ballpen at sundan ang floor markers para sa social distancing.

Maliban dito, mayroon pang health declaration form na dapat sagutan at dapat di lumagpas sa 37.8 ang kanilang body temperature.

Dagdag pa nito, limitado sa 10 ang maaaring makapagparehistro sa umaga at gayundin sa hapon.

Maaalala na nasuspende ang voter registration simula pa noong Marso dahil sa mga quarantine restrictions.