Aklan News
COMMUNITY PANTRY SA PASTRANA PARK, PINILAHAN NG MGA RESIDENTE
Hindi nagpatinag ang mga residente sa pagpila sa community pantry sa Kalibo Pastrana Park kaninang umaga sa kabila ng makulimlim na panahon.
Pahayag ni Veanca Joy Ramos, presidente ng Movement of Gratitude, ngayon na ang ikalawang araw ng kanilang itinayong community pantry sa loob ng Pastrana Park.
Naging maayos aniya ang unang araw ng pantry na tumagal ng dalawang oras hanggang sa naubos ang laman nito.
Sinabi rin nito na hindi sila natatakot na ma red-tag dahil nakarehistro naman ang kanilang organisasyon sa ilalim ng Local Youth and Development Office.
Kaunay nito, nagbigay din kanina ng mga donasyon gaya ng bigas ang Kalibo PNP para maidagdag sa pantry.
Bukas pa ang grupo sa pagtanggap ng mga donasyon na pangdagdag sa community pantry.