Connect with us

Aklan News

CONDONATION PROGRAM NG SSS, EXTENDED PA!

Published

on

Extended hanggang sa Mayo 14 ng kasalukuyang taon ang condonation program ng Social Security System (SSS) Aklan.

Sa panayam ng Radyo Todo kay SSS Aklan branch head Rene Moises Gonzales, sinabi nito na ang nasabing extension ay kasunod ng hiling ng mga SSS members na hindi nakahabol sa naunang deadline.

Ngunit ayon kay Gonzales na sana ay huwag nang hintayin pa ng mga miyembro ang Mayo 14 bago magsumite ng kanilang mga aplikasyon.

Nauna nang sinabi sa Radyo Todo ni Gonzales na ito ay isang magandang pagkakataon para sa mga miyembro na hindi pa nakapagbayad ng balanse sa kanilang mga loans.

Saad pa nito na layunin ng SSS condonation program na maibsan ang kahirapan ng kanilang mga miyembro lalo na ang mga nawalan ng trabaho dahil sa pandemya.

I-access lamang aniya ang website ng SSS at doon magsumite ng kanilang aplikasyon.

Ang nasabing condonation program ay puwede sa kahit sinong miyembro na hindi pa nakapagbayad ng kanilang utang kahit wala pang pandemya.

Sa pamamagitan nito, hindi na kailangang bayaran ng SSS member ang penalty dahil tanging ang principal amount at interest nito lamang ang bayaran.

Samantala ang tawag umano dito ay pandemic relief and restructuring program.