Connect with us

Aklan News

CONG. HARESCO AT DSWD NAMIGAY NG TULONG SA MGA NASUNUGAN SA BORACAY

Published

on

Boracay Island – NAMIGAY ng food packs ang Department of Social Welfare and Development sa mga nasunugan sa isla ng Boracay kasama si Aklan 2nd District Congressman Teodorico Haresco.

Ang first batch ng food packs ay 200 boxes na ipinamigay kaninang umaga sa mga pamilyang nasa Manocmanoc Gym evacuation center.

2 boxes na may lamang mga grocery products ang ibinigay sa bawat pamilya.

Darating din naman agad sa susunod na mga araw ang iba pang food packa na manggaling sa regional office ng DSWD para makatikim ang 543 na mga pamilyang nabiktima ng sunog sa Sitio Ambulong, Brgy. Manocmanoc.

Umaabot sa 1,653 ang individuals na myembro ng pamilya at may 419 na mga boarders ang nabiktima sa 366 na mga kabahayan na nasunog.

Ayon kay Cong. Haresco, may dagdag pang 5,000 pesos na financial assistance ang ipamimigay nila ng DSWD sa martes sa mga mag-ari ng bahay.

Matatandaang aabot sa halos 20 million pesos na propiedad ang tinupok ng nangyaring sunog dahil sa sinaing na naiwan sa isang bahay pasado alas 8 ng umaga noong huwebes.