Connect with us

Aklan News

CONG. PAOLO DUTERTE AT MGA DAVAOEÑO, NAGBIGAY NG AYUDA PARA SA MGA TAGA BORACAY

Published

on

Isang sakong bigas at limanlibong pisong (P5,000) cash ang tatanggapin ng mga benepisyaryo ng tulong ng mga Davaoeño sa mga taga Boracay island.

Ito ang kinumpirma ni Boracay Foundation Incorporated (BFI) Board of Director RAdm Leonard Tirol sa panayam ng Radyo Todo.

Ayon kay Director Tirol, napag usapan nila ito noong nakaraang bisita ni Cong. Paolo Duterte sa Boracay matapos magtanong ito kung kumusta na ang kalagayan ng ilang mga taga isla.

Nagdesisyon diumano si Duterte na magbigay ng 1 Million pesos na tulong mula sa mga Davaoeño at ito ay idadaan sa BFI.

Napagdesisyunan ng mga opisyal ng BFI na ipamahagi muna ito sa mga myembro ng Boracay Association of Scuba Schools, Boracay tattoo and painters artists, Kiteboarding instructors at Boracay lifeguards.

Ang pamamahagi ng ayuda ay gaganapin sa Huwebes sa front beach ng Paradise Garden Hotel at pangunhunahan ng BFI.

Dinagdag pa ni Tirol na may posibilidad na mamahagi rin ng ayuda sa mga residente at ibang sector sa Boracay si Cong. Pulong, sa tulong ng ibang ahensya ng pamahalaan, sa susunod na mga araw.

Kamakailan lang ay naglaan ng 10 million pesos na pondo mula sa Department of Health si Cong Duterte para sa billings ng mga mahihirap na pasyente sa Aklan Provincial Hospital.

Si Pulong ay madalas na nasa Boracay mula noong sya ay binata pa at tahimik lang ngayon na bumibisita sa isla kasama ang kanyang pamilya.