Connect with us

Aklan News

Cong Ted Haresco, nainsulto sa banat ni Odon Bandiola

Published

on

PHOTO: Cong Tedorico Haresco/Official Facebook Page

Inamin ni Aklan 2nd District Representative Teodorico Haresco na nainsulto siya sa mga pasaring ni Sangguniang Panlalawigan Legislative Consultant Odon Bandiola.

Naging usap-usapan kasi ang isang Facebook post ni Bandiola na tila pasaring kay Haresco kung saan tinawag niya itong “pretender”, sampid at nakiangkas lang sa local dominant political party sa Aklan na Tibyog.

Ipinagtataka naman raw ng kongresista kung bakit maasim ang pananalita ni Bandiola gayong hindi naman ito kasapi ng Tibyog.

Ayon kay Haresco na pangalan lang naman ang Tibyog na maaari namang palitan ng Tsibog o ABQ (Alalay Ni Boy Quimpo).

“Odon, sabi ni Gov. Joen sakin ay hindi ka naman daw miyembro ng Tibyog at sino ka na magsasabi ‘nun? Pangalawa, imbitado nga ako, ewan ko kung meron akong formal invitation noon pero nag-offer ako bilang kandidato sa grupo, eh yung Tibyog na yan, parang pangalan lang yan. Pwede naman na palitan yan ng Tsibog or ABQ (Alalay Ni Boy Quimpo). Pwede naman ibang pangalan yan eh,” pabirong pahayag niya sa panayam ng Radyo Todo.

Nag-ugat ang isyung ito makaraang batikusin ni Haresco si Vice Governor Reynaldo Quimpo at ang Aklan Sangguniang Panlalawigan dahil sa biglaang pagdeklara nang Persona Non Grata sa 4 na mga Kongresista na nag panukala ng BIDA Bill 2.

Ito ay sa kabila nang pag-withdraw na ng mga proponent sa panukala noong August 3 matapos kausapin ni Haresco si Cong. Lray Villafuerte.

Giit ni Cong. Haresco, napahiya siya dahil hindi man lang siya muna tinanong ng mga kapwa kasamahan sa Tibyog kung ano na ang status ng BIDA Bill 2 sa kongreso bago nila aprubahan ang SP Resolution na nagdedeklarang personan non grata laban sa apat na Bicol Representatives.

“Hindi manlang muna ako tinanong o sinabihan. Bigyan man lang ng courtesy para sana nalaman nila na nawithdraw na”

“I was dumbstrucked, nabigla ako, nagmukha akong tanga, tinamaan ako ng resolusyon na yan, kasi nagpirma na nga ng withdrawal yung apat na congressman dahil sa pakiusap ko tapos biglang may deklarasyon sila ng persona non grata”. (MAS)