Connect with us

Aklan News

Congressman Haresco kasama sa alyansa ng 5 partido ng administrasyon

Published

on

PHOTOS: Cong Ted Haresco Facebook page

Dumalo si Aklan 2nd District Representative Teodorico Haresco sa naganap na alyansa ng limang malalaking political parties sa bansa na tinawag na Bagong Pilipinas Alliance.

Ang alyansa ay binubuo ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP), Lakas-CMD, Nationalist People’s Coalition (NPC), National Unity Party (NUP), at Nacionalista Party (NP).

Ginanap ang “Alyansa Para sa Bagong Pilipinas Convention 2024” sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City kahapon, Setyembre 26 na dinaluhan mismo ni Pangulong Bongbong Marcos.

Sa kanyang Facebook page, sinabi ng kongresista na malaking pribilehiyo ang maging parte ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas Convention kasama ang pangulo at iba pang lider ng bansa.

“It was a privilege to be part of the Alyansa Para sa Bagong Pilipinas Convention with His Excellency President Bongbong Marcos, Speaker Martin Romualdez, and distinguished leaders from across the country. This gathering was a powerful reminder of our shared commitment to a brighter, stronger, and more prosperous Bagong Pilipinas. Together, we continue to work toward a future where progress and unity thrive,” saad nito.

Kaugnay nito, pormal nang inanunsyo ng Pangulo ang kanyang mga ineendorsong senatorial candidates para sa midterm elections 2025.

Pinangunahan din nito ang lagdaan ng manifesto ng mga partido para sa nabanggit na alyansa.