Aklan News
Construction ng Bagong Kalibo Public Market imposibleng maumpisahan ngayong buwan ng Mayo
IMPOSIBLE na maumpisahan ngayong buwan ng Mayo ang construction ng Bagong Kalibo Public Market.
Ito, ayon kay LGU Kalibo Barangay Affairs Chief Mark Sy ay dahil sa bagong sistema na gagamitin sa construction ng merkado publiko.
Ani Sy, isa pa sa naging problema ang nawawalang plano para sa plumbing.
Dagdag pa nito na ang hinihinging requirements ng bangko bago simulan ang pagpapatayo sa bagong mukha ng Kalibo Public Market ay Environmental Compliance Certificate o ECC.
Samantala, napag-alaman na hindi na kailangang mag-comply ng LGU ng nasabing certificate dahil ang kailangan lamang ay Certificate of Non-Compliance sa kadahilanang ang lupang kinatitirikan ng public market ay hindi umabot ng isang ektarya.
Sa ngayon ayon kay Sy ay on-going ang kanilang pagproseso sa mga kinakailangang dokumento upang masimulan na sa lalong madaling panahon ang construction nito.