Connect with us

Aklan News

Construction worker, arestado matapos manakit ng bata

Published

on

 

Arestado ang isang construction worker sa kasong Physical Injuries in Relation to R.A. 7610 matapos manakit ng bata sa Spanish Road, New Buswang, Kalibo bandang alas-3:20 nitong hapon, Hunyo 13.

Ang suspek na hindi na pinapangalanan ng otoridad ay 24-anyos na lalaki at residente ng nasabing lugar.

Naaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Hon. Maria Fe Macabales Taal, Assisting Judge ng RTC Branch 3, Kalibo, Aklan sa ilalim ng Criminal Case No. 17881.

May inirekomendang namang piyansa ang korte na ₱80,000.00 para sa pansamantala nitong kalayaan.

Samantala, kasalukuyan nang nasa kustodiya ng Kalibo MPS ang nasabing akusado at nakatakdang iharap sa korte.

Ang nasabing operasyon ay ikinasa ng Kalibo MPS sa pangunguna ni PLT Ronald M. Macario sa ilalim ng direktang superbisyon ni PMAJ Frensy C. Andrade. Ulat ni Jisrel Nervar