Aklan News
Construction worker arestado sa drug buy bust operation sa Regador, Ibajay


ARESTADO ang isang construction worker sa isinagawang drug buy bust operation ng mga operatiba nitong Lunes sa Brgy. Regador, Ibajay.
Kinilala ang suspek na si Glen Villanueva, 49-anyos at residente ng nasabing lugar.
Nabilhan si Villanueva ng isang sachet it suspected shabu kapalit ng P8,000 na buy bust money.
Samantala, dagdag pang apat na sachet ng iligal na droga ang narekober sa isinagawang body search sa suspek.
Ayon kay PMaj. Jerome Manahan, team leader ng PDEU Aklan, mahigit tatlong linggo nilang minonitor ang suspek bago ikinasa ang operasyon.
Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Ibajay PNP ang suspek at mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Continue Reading