Connect with us

Aklan News

Construction worker na wanted sa kasong Theft, arestado ng Lezo PNP

Published

on

Nalambat na ng mga kapulisan ang isang construction worker na wanted sa kasong pagnanakaw sa bayan ng Lezo kahapon, August 19, 2024.

Naaresto ang suspek na 41-anyos, residente ng Brgy. Oquendo, Balete at kasalukuyan umanong nagtatrabaho bilang construction worker sa Brgy. Tigayon kung saan siya nahuli.

Napag-alaman na Abril 2023 isinagawa ng suspek ang pagnanakaw sa isang kubo sa Brgy. Mina, Lezo at tinangay ang ilang mga kagamitan.

Samantala, sa pakikipag-ugnayan ng Lezo Pnp sa Kalibo Pnp ay tuluyan na itong naaresto at sinilbihan ng warrant of arrest.

Nasa kamay na ngayon ng Lezo Pnp ang suspek na mahaharap sa kasong Theft.