Aklan News
Construction worker, natagpuang patay sa loob ng kanilang barracks
Wala ng buhay nang matagpuan ang isang construction worker sa loob ng kanilang barracks kahapon sa Sitio Kipot, Manocmanoc, Boracay.
Lumalabas sa imbestigasyon na habang nagkakape ang 53 anyos na biktima kasama ang kanyang katrabaho ay nagreklamo ito na sumasakit ang kanyang dibdib.
Kaya nagpasya ito na magpahinga na muna.
Pero makaraan ang ilang minuto ay tiningnan nila ang biktima at doon nadiskubre na wala na itong pulso.
Lumalabas sa findings ng doktor na cardiac arrest ang ikinamatay ng biktima.
Wala naman umanong foul play sa pagkamatay nito.
Continue Reading