Connect with us

Aklan News

Construction worker, patay matapos saksakin ng kaniyang katrabaho

Published

on

Nagwakas ang buhay ng isang construction worker mataspos saksakin ng kanyang katrabaho kagabi sa Brgy. Catabana, Madalag.

Kinilala ang biktima na si Romel Biñares, residente ng Roxas City, Capiz habang residente naman ng Laua-an, Antique ang suspek na si Mathew Samillano.

Batay sa paunanng impormasyon, nagkayayaan na mag-inuman ang magkakatrabaho kagabi kabilang ang biktima at suspek.

Sinasabing nang malasing na ang mga ito ay bigla nalang nilapitan ng suspek ang biktima at pinagsasaksak habang ang kanilang mga kasamahan ay mabilis na nagsitakbuhan.

Ayon naman sa kanilang mga katrabaho, wala naman umanong sagutan o diskusyon na naganap sa pagitan ng dalawa bago ang krimen.

Kaugnay nito, agad na binawian ng buhay si Biñares dahil sa malalang tama sa dibdib.

Sa ngayon ay nasa punerarya na ang katawan ng biktima habang pinaghahanap parin ang suspek na tumakas matapos ang insidente.