Connect with us

Aklan News

Construction worker, pinagtulungang bugbugin ng umano’y tatlong kalalakihan sa Kalibo

Published

on

Screen Grab: Anna Mae Mationg

‎PINAGTULUNGANG BUGBUGIN ng higit sa tatlong indibidwal ang isang construction worker sa bahagi ng Oyotorong St., Bakhaw Sur, Kalibo bandang alas-9:20 nitong gabi ng lunes, Hunyo 2.

‎ang biktima ay kinilalang si “Joel” , 39-anyos, isang construction worker, at residente ng mabilo, new washington.

‎sa imbestigasyon ng kalibo pnp, mula ang biktima sa bahay ng kanyang pinsan sa lugar matapos na makipag-inuman.

‎pagdating sa lugar ay tinambangan umano ito ng tatlo o higit pang kalalakihan saka pinagsusuntok.

‎nagtamo ng sugat sa bibig, ilong, at panga ang biktimang construction worker.

‎sa ngayon, nagsasagawa pa ng follow-up investigation ang Kalibo PNP sa pagkakakilanlan ng mga suspek na nambugbog.l ulat ni Arvin Rompe