Connect with us

Aklan News

Construction worker tiklo sa drug buy bust ops sa isla ng Boracay

Published

on

TIMBOG sa isinagawang drug buy bust operation ng Malay PNP ang isang construction worker matapos mabilhan ng iligal na droga sa Sitio Cagban, Manocmanoc, Boracay, Malay, Aklan nitong Sabado ng gabi.

Kinilala ang suspek na si Jinyuan Pedraza, 28-anyos at residente ng Tala North, Caloocan City at pansamantalang naninirahan sa Sitio Cagban, Manoc-Manoc, Boracay Island.

Nabilhan ang suspek ng isang sachet ng suspected shabu kapalit ng P3,600 na buy-bust money.

Samantala sa isinagawang body search, narekober pa mula sa kanya ang dagdag na 4 na sachet ng suspected shabu na nakalagay sa bulsa ng kanyang shorts.

Mariing itinaggi naman ni Pedraza na kanya ang mga nakuhang iligal na droga.

Tinatayang nasa P170,000 ang halaga ng iligal na droga ang narekober sa suspek.

Sa ngayomn ay nasa kustodiya na ito ng Malay PNP at posibleng maharap sakasong paglabag sa RA 9165 O Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.