Aklan News
CONTRACTOR NG GINAGAWANG DRAINAGE SYSTEM SA BAHAGI NG MABINI STREET, SUBJECT FOR LIQUIDATED DAMAGES KAPAG HINDI PA RIN MATAPOS ANG PROYEKTO
Posibleng hingan ng liquidated damages ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Aklan ang Audric Construction Supply na siyang contractor ng ginagawang drainage system sa bahagi ng Mabini Street sa bayan ng Kalibo.
Sa panayam ng Radyo Todo kay Engr. John Roland Isturis, Engineer II ng DPWH-Aklan sinabi nito nakabinbin pa rin ang nasabing proyekto dahil hindi pa nakakapag-renew ng permit ang nabanggit nga contractor para sa lugar na paglalagyan ng kanilang excavated materials.
Hindi rin naman kasi aniya puwede na basta lamang nilang itapon ang kanilang excavated materials na walang lugar na paglalagakan.
Pahayag ni Engr. Isturis na pinapamadali na nila ang Audric Construction Supply na makakuha kaagad ng nasabing permit upang matapos na ang nasabing proyekto.
Ipinaliwanag ni Isturis na ito ay intermittent o putol-putol dahil nilalagyan lamang nila ng drainage ang mga bahagi na walang drainage system gayundin na inaayos nila at pinapalitan ang mga luma at undersized drainages.
Ang 1.63 kilometers drainage project ng DPWH-Aklan mula sa bayan ng Kalibo hanggang Banga ay nagkakahalaga ng mahigit P15-million pesos.
Kaugnay nito, kapag hindi pa rin makapag-resume ang nasabing proyekto ay o-obligahin na ng DPWH-Aklan ang contractor na Audric Construction Supply na magbigay ng liquidated damages.
Ang liquidated damages ay penalty na babayaran ng contractor dahil bigo itong tapusin ang proyekto sa itinakdang oras.