Aklan News
Convenience store sa Altavas ninakawan, cashier umano’y tinutukan pa ng baril
Tinangay ng hindi pa nakikilalang kawatan ang higit P10,000 na collection sa isang convenience store sa Brgy. Poblacion, Altavas at tinutukan pa umano nito ng baril ang cashier dakong alas-2:00 kaninang madaling-araw.
Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Altavas PNP, pumasok umano sa naturang convenience store ang isang lalaking naka hood jacket na nakasuot ng facemask at nagpanggap na customer.
Ngunit pagtungo umano nito sa counter ay bigla umanong tinutukan ng baril ang cashier habang kinukuha ang pera.
Sa takot umano ng cashier maging nang isang kasama nito ay ibinigay nalng nila ang pera.
Hindi na umano nakita ng biktima kung saan dumeretso ang suspek matapos ng insidente.
Samantala, palyado naman umano ang CCTV ng naturang convenience store.
Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga kapulisan kaugnay sa nangyari.