Aklan News
Covid-19 recoveries sa Aklan nasa 86% na, active cases bumaba sa 17
Umabot na sa 125 ang naitatalang kaso ng COVID-19 sa Aklan pero 17 nalang ang natitirang active cases sa kasalukuyan.
Nakapagtala ng 2 bagong recoveries ang Aklan Provincial Health Office (PHO) ngayong araw kaya umakyat na sa 86% ang COVID-19 recoveries.
• Case No. 95 – Kalibo, Aklan – 37, male
• Case No. 109 – Banga, Aklan – 53, female
Sa kabuuang 125 total COVID-19 cases sa Aklan, 101 sa kanila ay gumaling na, 17 ang naka-quarantine at 7 ang namatay.
Matatandaan na sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa isang press briefing nitong October 2 na kapag tumitingin ng datos ng DOH, bigyang pansin dapat ang bilang ng active cases kaysa sa kabuuang bilang.
“Kapag tumitingin tayo ng datos, dapat tinitingnan natin ilan na lang ba ang active cases? Ilan ba ang nakarecover? Ilan na ba ang namamatay?”