Connect with us

Aklan News

COVID-19 TESTS NG 12 MEDICAL FRONTLINERS SA AKLAN, NEGATIVE ANG RESULTA

Published

on

Kalibo, Aklan – NEGATIBO SA COVID-19 ang 12 medical frontliners na pinatest kamakailan ng Aklan Provincial Hospital dahil sila ang mga nag alaga sa mga pasyenteng nagkaroon ng coronavirus disease.

Ayon kay Aklan Provincial Health Officer Dr. Cornellio Cuachon, Jr., natanggap na nila ang test results kahapon mula sa Western Visayas Medical Center sub national laboratory. Negative rin ang test results ng mga civilian na naka quarantine sa Aklan Training Center na kinabibilangan ng 1 german national at 2 seafarers Overseas Filipino Workers.

Dahil dito ay pwede na silang makauwi sa kani-kanilang mga tahanan sa Aklan. May 40 pending pa ang resulta ng repeat test kung saan kasama rito ang 5 COVID-19 patients na nakarecover na, ang positive pa na 68 years old na taga Brgy. Andagao, Kalibo at ang iba ay mga dating Persons Under Investigation.

Ngayong araw ay ipapadala rin sa WVMC ang specimen samples ng 37 seafarers na dumating sa Aklan kahapon at kasalukuyang nakaquarantine sa Marzon Hotel sa Kalibo.

24 na araw nang walang bagong kaso ng COVID-19 sa Aklan kung saan wala ring local transmissions kaya naisama na ang probinsya sa mga lugar na ibinaba sa General Community Quarantine umpisa Mayo 1.