Connect with us

Aklan News

COVID -19 VACCINE PARA SA TOURISM WORKERS SA BORACAY, UBOS NA

Published

on

Naibakuna na sa 3,000 na mga tourism workers sa Boracay ang unang batch ng Sinovac kontra COVID-19.

Pasok ito sa target nina Department of Tourism Secretary Berna Romulo-Puyat at National Task Force Against COVID-19 Deputy Chief Implementer Secretary Vince Dizon na mabakunahan ang 3,000 tourism workers sa loob ng isang linggo.N

Narito ang bilang ng mga nabakunahan mula Hulyo 7 hanggang 13, 2021 mula sa datos ng Boracay Foundation Incorporated:

July 7, 2021 – 508
July 8, 2021 -615
July 9, 2021 – 610
July 12, 2021 – 586
July 13, 2021- 681
Total: 3,000

Sa ngayon ay ubos na ang suplay ng bakuna ngunit nangako si Sec. Dizon sa ginanap na ceremonial vaccination noong Hulyo 7 na sisiguruhin ng kanyang tanggapan na maibibigay ang mga bakuna na kailangan ng isla.

“We are committing to provide the island of Boracay through Mayor Froli (Malay Acting Mayor Frolibar S. Bautista) and Governor Joeben (Governor Miraflores) the vaccines and the doses that you need to slowly and surely open as up not just to the country but the entire world,”ani Dizon.

Patuloy ang gaganaping vaccination rollout hanggang sa mabakunahan ang 17, 000 active tourism workers sa isla sa loob ng isang buwan.

Continue Reading