Connect with us

Aklan News

COVID testing center ng Aklan, posibleng buksan sa unang linggo ng Agosto

Published

on

Nakikipag-ugnayan na ngayon ang Aklan provincial government sa Department of Health (DOH) para sa itinatayong sariling COVID testing Center sa probinsiya.

Ayon kay Provincial Health Officer Dr. Cornelio Cuachon, dumating nitong Miyerkules ang mga taga DOH, Research Institute for Tropical Medicine (RITM), at World Health Organization (WHO) para sa stage 3 assessment ng molecular lab para mabigyan na ng license to operate ang testing center.

Dagdag pa ni Cuachon, sumabak na rin sa proficiency training ang mga doktor at nurse na itatalaga sa naturang laboratoryo na makikita sa Dr. Rafael S. Tumbokon Memorial Hospital.

Malaki umano ang maitutulong ng testing center dahil magiging mabilis na ang paglabas ng resulta ng mga swab test at hindi na kailangan dalhin pa sa Western Visayas Medical Center ang mga specimen na mula sa Aklan.

Mayroon aniyang molecular lab para sa Reverse Transcription Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) na kayang mag-accommodate ng 200 swab specimen sa isang araw at geneXpert machine na kayang mag proseso ng mahigit 30 specimen sa loob ng walong oras.

Inaasahang matatanggap na ng probinsiya ang license to operate sa unang linggo ng Agosto, at sa oras na makuha ito ay ipatutupad na ang full operation ng testing center.

Pages: 1 2