Aklan News
Crime incidents sa Aklan, bumaba ng 12.53%
Bumaba na 12.25% ang naitalang insidente ng krimen sa lalawigan ng Aklan.
Ito ay batay sa datos ng Aklan Police Provincial Office (APPO) sa kanilang inilabas na Annual Operational Accomplishment Report 2022-2023.
Ayon kay PSSgt Jane Vega, Public Information Officer ng Aklan PPO, mula sa 1,892 noong period ng 2021-2022 bumaba ito sa 1,655 para sa period ng 2022-2023.
Samantala, tumaas naman ang peace and order situation sa lalawigan kung saan mula sa 92.68% ay umakyat ito sa 93.41%.
Nangangahulugan lamang ito ayon kay Vega na naging epektibo ang mga programa ng Aklan PPO sa kasalukuyang administrasyon.
Maliban dito, tumaas din sa 94.11% ang Public Safety Indicator mula sa 92.60% kung saan nangangahulugan ito na naging epektibo ang pakikipag-tandem ng PNP sa komunidad at iba pang law enforcement agencies.
Sa kabilang banda, kahit bumaba ang sa 248 mula sa dating 281 ang 8 focus crime sa Aklan, nakakalungkot pa rin umano ito ayon kay PSSgt. Vega dahil masyado pa ring mataas ang bilang na 248.
Ang maganda na lamang dito ay kahit papaano ay bumaba kahit kaunti ang mga krimen na naitatala sa lalawigan dahil na rin sa mga programa ng Aklan PNP.