Connect with us

Aklan News

Cruise ship na MS Westerdam of Holland America nasa Boracay Island

Published

on

CRUISE SHIP NA MS WESTERDAM OF HOLLAND AMERICA NASA BORACAY ISLAND
Photo Courtesy: Malay Tourism Office

Bumisita ang cruise ship na MS Westerdam of Holland America sa isla ng Boracay ngayong umaga.

Sakay ng naturang cruise ship ang nasa 2,700 na mga pasahero kabilang ang kanilang mga bisita at crew.

Nagsimulang maglayag ang MS Westerdam mula sa Melbourne, Australia noong Enero at huling destinasyon nito ang Nha Trang, Vietnam bagong matapos ang taong kasalukuyan.

Magtatagal lamang ito ng pitong oras sa Boracay Island at sunod naman nitong bibisitahin ang Puerto, Princesa, Palawan bago magtungo ng China.

Ito na ang ika-apat na pagbisita ng MS Westerdam sa Boracay Island at ang pangalawang cruise ship na dumaong sa isla ngayong buwan ng Nobyembre.