Connect with us

Aklan News

CTG na napatay ng militar sa engkwentro sa Manika, nakilala na

Published

on

Natukoy na ang pagkakakilanlan ng Communist Terrorist Group (CTG) member na napatay sa engkwentro nila ng mga tropa ng militar sa Manika, Libacao nitong Huwebes, Oktubre 31, 2024.

Kinilala ang napasalang na si Alvin Panoy, alyas Jake/Vinmar, 30 anyos na residente ng Lemery, Iloilo.

Sinasabing si alyas Jake ay dating Finance and Logistic Officer (FLO) ng Squad II, Igabon Platoon, Central Front Komiteng-Rehiyon Panay.

Dinala na ito sa Navejas Funeral Home sa Libacao at nakatakdang ihatid sa bahay ng kanyang pamilya sa Lemery, Iloilo.

Matatandaan na nangyari ang engkwentro matapos magresponde ang tropa ng gobyerno sa sumbong ng mga residente na may mga armadong NPA na nagsasagawa ng extortion sa lugar.

Tumagal ng 10 minuto ang putukan kung saan binawian ng buhay si alyas Jake habang nagtamo naman ng minor injury ang isang miyembro ng militar.

Sinabi ni MGen Marion R Sison, Commander ng 3rd Infantry (Spearhead) Division ang neutralisasyon ng CTG finance and Logistic Officer ay bunga ng pagsusumikap ng tropa ng pamahalaan at suporta ng mga residente para maitaguyod ang kapayapaan sa rehiyon.

“The death of alias Jake has disrupted the CTG’s attempt to recover their influence in Aklan, including its financial and logistical support system in both red and white area operations,” saad pa ni MGen Sison. |MAS