Aklan News
Cum Laude student na nabato sa ulo, bigong makadalo sa graduation; mga kaibigan, ‘to the rescue’
To the rescue ang mga kaibigan ni Mary Jane Plaza, ang Cum Laude student na nabato sa ulo ng isang lasing sa bayan ng Nabas.
Ito ay dahil bigong maka-akyat sa entablado ang dalaga dahil hindi pa makalabas ng ospital bunsod ng mataas na bayarin sa ospital.
Sa panayam ng Radyo Todo sa nakakatandang kapatid ng biktima, sinurpresa si Mary Jane ng kanyang mga malalapit na kaibigan.
Aniya, pinagsuot nila ito ng toga sabay pa-picture ng sa gayo’y maramdaman ni Mary Jane na siya ay graduate na.
“Sinurprise po siya ng mga barkada niya kahapon.Natuwa po siya, hindi niya po ini-expect yun,” kwento ng ate ng biktima.
Samantala, nananawagan pa rin ang pamilya Plaza sa mga may ginintuang-puso ng tulong-pinansiyal upang makalabas na ng ospital si Mary Jane.
“Hindi pa po siya makakalabas, kailangan pa po naming mabayaran ‘yung balance namin. Nasa P250K pa po. Pero kung mag-stay pa po siya mas lalo lang pong tataas pa yung balance namin,” sambit pa nito.
Sa kabila nito, nasa magandang kondisyon naman si Mary Jane, nagpapalakas at nagpapagaling
“Pero nasa good condition narin po sya nagpapalakas na po.”