Aklan News
CURFEW HOURS NA PINAIIRAL SA AKLAN, MAS PINAAGA SA 8PM


Muling pinahaba ang ipinapatupad na curfew hours sa Aklan dahil pa rin sa banta ng coronavirus diseases (COVID-19).
Sa ilalim ng Executive Order No. 019 Series of 2021 ni Aklan Governor Florencio Miraflores, mula sa umiiral na curfew na 09:00 ng gabi hanggang 5:00 ng umaga, mas pinaaga ito sa 08:00 ng gabi hanggang 4:00 ng umaga. sa loob ng 15 araw simula Agosto 1 hanggang Agosto 31.
Kabilang ito sa mga karagdagang restrictions para malimitahan ang galaw ng mga tao laban sa pagkalat ng nakakahawang virus ngayong nasa ilalim na ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang lalawigan ng Aklan.
Sa curfew hours, bawal ang mga tao sa kalsada bukod sa mga sumusunod:
1. Mga nagbibigay ng Medical Services
• Mga DOH officials at staff
• Mga health and services personnel station at LGU Health facilities
• Philippine Red Cross vehicles na may Red Cross Logo at regional offices
• Core Staff ng World Health Organization (WHO)
• Doktor, helath workers at kanilang mga driver
• Hospital staff, empleyado at janitorial services
• Medical professionals at ibang empleyado
• Private care giver
2. Mga nagtatrabaho sa Funeral Service Idustry
• Empleyado
• Immediate family ng namatay
3. Emergency Responders
• Bureau of Fire Protection (BFP), kasama ang mga volunteer fire fighters
• Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO), mga disaster risk reduction personnel, job order, plantilla o volunteer personnel man
• Department of Social Welfare and Development Office (DSWD), Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), at Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO)
• Barangay Health Emergency Response Team (BHERTs)
• LGU officials
4. Security Services
• Law enforcement personnel (PNP, AFP, BJMP, NBI, OTS, BOC, BI at PPA)
• Kompanya ng mga security officers at security guards
• Force multipliers (Barangay Officials, Barangay Tanod)
5. Delivery Personnel (maximum of 3 kasama na ang driver)