Connect with us

Aklan News

CURFEW HOURS SA BUONG AKLAN, TINANGGAL NA

Published

on

Photo Courtesy: Kalibo PNP

Tinanggal na ng lokal na pamahalaan ang curfew hours sa buong lalawigan ng Aklan ngayong nasa pinakamababang Alert Level na ito o katumbas ng new normal.

Ipapatupad na ito simula ngayong araw, Marso 1, batay sa EO No. 009 Series of 2022 ni Aklan Gov. Florencio Miraflores.

Dating alas-11:00 ng gabi hanggang alas-4:00 ng madaling araw ang curfew sa mainland Aklan noong Alert Level 2 pa ang umiiral.

Kaugnay nito, ikinagalak naman ng grupo ng mga negosyante ang pagtanggal ng curfew hours dahil nais nila na buhayin muli ang night life sa bayan ng Kalibo na nawala dahil sa mga ipinatupad na mahigpit na restrictions dala ng pandemya.