Connect with us

Aklan News

DAGDAG NA HONORARIUM PARA SA MGA CHILD DEVELOPMENT WORKER, APRUBADO NA NG SANGGUNIANG BAYAN NG KALIBO

Published

on

Makakatanggap ng dagdag-honorarium ang mga child development worker sa bayan ng Kalibo.

Ito ay matapos aprubahan ng Sangguniang Bayan ng Kalibo ang resolusyon na naglalayong gawing P3,500 pesos ang kanilang honorarium mula sa dating P1,600 pesos.

Ayon kay SB member Augusto Tolentino, malaking bagay ito para sa mga child development worker lalo na ngayong tumataas ang mga bilihin dahil sa krisis sa ekonomiya.

Aniya pa ang P1,600 pesos na honorarium ay simula pa noong at hindi pa rin nagkakaroon ng increase hanggang ngayon.

Karapat-dapat naman ayon kay Tolentino na makatanggap ng dagdag-honorarium ang nasabing mga worker lalo na’t sila ay boluntaryo lamang nagtatatrabaho upang matuto at maturuan ng magandang pag-uugali ang mga bata.

Saad pa ng konsehal na isa sa mga malaking hamon sa kanilang trabaho ay ang iba’t-ibang pag-uugali ng mga bata dahil sa musmos pa lamang nilang edad.

Malaki din aniya ang kanilang sakripisyo upang mapunan ang kanilang trabaho bilang isang child development worker.