Connect with us

Aklan News

DAGUITAN DAY CARE CENTER, NASUNOG

Published

on

Banga – Nasunog ang Day Care Center ng Barangay Daguitan bandang alas 12:30 kaninang hapon.

Bagama’t kaagad naapula ng mga construction worker sa ginagawang multi purpose hall doon ang sunog, sinabi ni Daguitan Barangay Captain Lolita Navida na nasunog ang mga libro, bigas, tool kit, vitamins ng mga bata, cd player, book shelves at mga school supplies sa loob ng silid-aralan.

Sinabi pa ng kapitan na nagtataka din sila kung saan posibleng nagsimula ang apoy, dahil wala namang naiwang nakasaksak na mga gamit sa electrical outlet.

Ayon naman kay FO3 Andri Von Rowan, fire investigator ng Bureau of Fire Kalibo, posibleng sa inihagis na upos ng sigarilyong may baga nagmula ang apoy lalo pa’t may mga dumadaan pa doon sa gilid ng nasabing eskwelahan na maaaring naninigarilyo.

Samantala, tinatayang nasa P4,500.00 ang pinsalang iniwan ng sunog na nirespondihan din ng Bureau of Fire Libacao.

Nagkataon namang walang pasok kanina ang mga mag-aaral nang mangyari ang sunog, at wala ring nasaktan sa insidente.