Aklan News
Dahil sa 1 babae na pareho nilang ex, menor de edad, sinaksak ang kabarkada
Tama ng pananaksak sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang natamo ng isang binatilyo matapos itong saksakin ng kabarkada dakong alas-8:00 kagabi sa Pob. Makato.
Napag-alaman na 17-anyos ang biktima na residente ng Pob. Numancia habang ang CICL o Children in Conflict with the Law ay 16-anyos na residente naman ng Makato.
Sa panayam ng Radyo Todo sa hiningian ng tulong ng biktima na si alyas “Gabriel”, patakbo umanong tumungo ang naturang binatilyo sa kanilang talyer habang tumutulo na ang dugo sa kaniyang katawan.
Mabilis silang tumawag ng rescuer para madala ito sa ospital habang hinanap naman ng Makato Pnp ang salarin at agad na nahuli.
Lumabas sa kanilang imbestigasyon, nag-inuman umano sa Brgy. Pusiw, Numancia ang dalawang menor de edad kasama ang mga kabarkada nito at ang isang babae na pareho nilang dating kasintahan.
Inihatid pa ng biktima ang CICL pero pagdating sa lugar ay bumunot ito ng kutsilyo at pinagsasak ang biktima.
Sinasabing, natuklasan nila na sabay nilang nakarelasyon noon ang babae na umano’y nagkaanak at dahil sa nakainum na ay napag-usapan kung sino umano sa kanilang dalawa ang ama ng bata.
Posibleng umanong habang nasa daan palang mula Numancia pa-Makato ay nag-aaway na ang dalawa.
Sa ngayon ay patuloy pang ginagamot ang biktima sa ospital habang nasa kustodiya naman ng Makato Pnp ang CICL para sa karampatang disposisyon.