Connect with us

Aklan News

DAHIL SA AWAY-PAMILYA, TATLO, SUGATAN SA INSIDENTE NG PAMAMARIL

Published

on

Madalag – Dahil sa away-pamilya, 3 ang sugatan sa insidente ng pamamaril alas 9:00 kagabi sa Medina, Madalag.

Nakilala ang mga biktimang sina Reynan Zaquita, 26 anyos; Rany Apolinario, 48 anyos, at Ryna Apolinario, 22 anyos, habang nakilala naman ang suspek na si Perry Nabor, 26 anyos, lahat residente ng nasabing lugar.

Base sa imbestigasyon ng pulis, nagising na lamang si Reynan nang marinig na pinagbabato ang bubong ng kanilang bahay.

Bumangon umano ito at binuksan ang pinto, kung saan nakita niya ang suspek na armado ng baril.

Kaagad umano siyang pinaputukan ng suspek hanggang tamaan ito sa kanyang dibdib kahit suwerteng hindi natamaan sa unang 2 putok.

Kasunod nito, lumabas naman sa kanilang bahay sina Rany at Ryna nang marinig ang nagpapasaklolong ina ni Reynan, subalit sila naman ang pinagbabaril ng suspek.

Dahil dito, tinamaan at nagtamo ng 2 sugat sa kanang tuhod si Rany, habang 2 sugat din ang tinamo ni Ryna sa kaliwang paa.

Kaagad silang dinala sa pagamutan sa Madalag, kung saan nakumpirmang nasa ligtas na ang kanilang kalagayan.

Samantala, nabatid na sumuko muna ang suspek sa kanyang kapatid na si Peggie Nabor na barangay chairman din sa kanilang lugar, bago ito dinala sa Madalag PNP Station.

Napag-alamang dating may alitan ang suspek at ang biktimang si Reynan na siyang itinuturong dahilan ng insidente.