Connect with us

Aklan News

Dahil sa bato, babaeng rider tumumba sa motorsiklo

Published

on

Sugat sa mukha at gasgas sa iba pang bahagi ng katawan ang tinamo ng isang babae matapos itong matumba sa minamanehong motorsiklo sa kahabaan ng Brgy. Poblacion, Numancia.

Batay sa report, binabaybay ng 24-anyos na babae ang naturang kalsada sakay ng motorsiklo.

Sinasabing, hindi umano napansin ng biktima ang isang bato na nasa gitna ng kalsada kaya’t nadaanan niya ito na naging dahilan ng kaniyang pagkatumba.

Dahil dito, nagtamo siya ng mga sugat sa may bibig at pisngi gayundin sa bahagi ng kaniyang siko at tuhod.

Mabilis namang nagresponde ang MDRRMO Numancia at binigyan ng paunang-lunas ang biktima tsaka dinala sa ospital.

Wala namang iba pang nadamay sa naturang aksidente.