Connect with us

Aklan News

Dahil sa dating alitan, senior citizen sinaksak

Published

on

Nagtamo ng tama sa kanyang tiyan ang isang senior citizen matapos masaksak alas-7:00 kagabi sa Barangay Talon, Altavas.

Kinilala ang biktima na si Gaspar Andrade, 64 anyos, ng nasabing lugar.

Samantala kinilala naman ang mga suspek na si Joey Macalacad at Joey Flores.

Ayon sa imbestigasyon ng Altavas Municipal Police Station, pinuntahan ng mga suspek na armado ng itak at kutsilyo ang biktima sa bahay nito at hinamon ng away.

Lumabas sa kanilang bahay ang biktima at nagkaroon ng diskusyon ang mga ito na nagresulta na masaksak si Andrade na agad dinala sa Aklan Provincial Hospital.

Dating alitan ang itinuturong motibo ng nasabing insidente.

Sa ngayon ay patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng Altavas Pnp hinggil sa insidente.