Connect with us

Aklan News

DAHIL SA EPEKTO NG ALAK, TATLONG AKSIDENTE SA KALSADA SA KALIBO, NAITALA

Published

on

Tatlong aksidente sa kalsada ang naitala kagabi sa Kalibo dahil umano sa epekto ng alak.

Base sa report ng Kalibo PNP Traffic Section, unang nangyari ang aksidente bandang alas 6:30 kagabi sa highway ng Barangay Tigayon kung saan isang rider ng motorsiklo ang bumangga sa warning device sa ginagawang kalsada doon.

Nakilala ang biktimang si Vincent Jay Teodosio, 33 anyos ng Torralba, Banga.

Bagama’t nagtamo ng mga sugat sa katawan, tumanggi namang magpadala sa ospital ang biktima matapos bigyan ng pangunang lunas ng mga rescuer.

Alas 7:20 naman sa highway ng Estancia, Kalibo nang aksidenteng bumangga sa pampasaherong multicab ang isang motorsiklo na minamaneho ni Frence Louie Grey, 34 anyos ng Andagao, Kalibo.

Base pa sa report ng pulis, minarapat i-confine sa ospital ang biktima dahil sa tinamong sugat at pinsala sa katawan sanhi ng insidente.

Samantala, isinugid din sa ospital ang isang rider ng motorsiklo matapos aksidenteng bumangga sa traysikel bandang alas 7:40 kagabi sa Pook, Kalibo.

Nakilala naman ang biktimang si Ronilo Baon, 36 anyos ng L.Barrios St., Poblacion, Kalibo.

Base sa imbestigasyon, papuntang New Washington ang traysikel, nang mabangga naman ng nagmomotorsiklong si Baon.

Resulta, sumemplang siya sa kalsada at nagtamo ng sugat at pinsala sa katawan na kaagad ding ginamot ng mga rescuer bago dinala sa ospital.

Lumalabas sa imbistigasyon na pawang nasa impluwensiya ng alak ang mga biktima nang mangyari ang insidente.