Connect with us

Aklan News

DAHIL SA INIINDANG KARAMDAMAN, LALAKI NAGBIGTI, PATAY

Published

on

Patay na nang matagpuan ng mismong anak ang kanyang ama matapos umano nitong magbigti sa loob ng kanyang kuwarto.

Sa eksklusibong panayam ng Radyo Todo sa anak ng biktima, dinalhan umano niya ng hapunan ang kanyang ama, subalit nagulat na lamang umano ito nang makita ang amang nakabitay.

Dali-dali umano siyang humingi ng saklolo kung kaya’t napagtulungang matanggal ang kanyang ama sa pagkakabitay.

Samantala, sinabi pa ng anak ng biktima na nasa tatlong taon nang may sakit na tuberculosis ang kanyang ama na nakuha niya sa kanyang trabaho noon sa Negros.

May gamot din umano sana ito subalit sinabi mismo ng kanyang anak na kusang itinigil ng biktima ang kanyang gamutan dahil lalo lamang umanong lumalala ang kanyang sakit.

Dahil dito, kumbinsido mismo ang anak ng biktima na walang foul play sa pagkamatay ng kanyang ama.