Aklan News
Dahil sa kalasingan at gutom lalaki pinasok ang karinderya at nagluto ng ulam, kulong matapos mahuli ng may-ari
KULUNGAN ang bagsak ng isang lalaki matapos na pasukin ang isamg karinderya at lutuin ang mga frozen foods sa Joyao-Joyao, Numancia Alas-4:50 ng madaling araw nitong Huwebes.
Kinilala ang lalaking si alyas ‘Franz’, 20-anyos na residente ng Laguinbanwa East, Numancia.
Sa eksklusibong panayam ng Radyo Todo sa suspek, galing umano siya sa bahay ng kaniyang kaibigan at nakipag-inuman.
Wala umano itong kinain mula tanghalian at hapunan ng Pasko kaya pinasok nito ang karinderya at nagluto ng pagkain.
Dahil din sa kalasingan at kabusugan ay nakatulog din ang suspek at dito na siya naabutan ng may-ari at ipinadampot sa mga kapulisan.
Ayon kay PCapt. Conrado Espino Jr., OIC-COP ng Numancia MPS, may mga naunang kaparehong kaso din ang suspek.
Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Numancia PNP ang suspek at nahaharap sa kasong Robbery.