Connect with us

Aklan News

Dahil sa kalasingan, motorista sumemplang

Published

on

Semplang ang inabot ng isang motoristang lasing matapos itong magpaekis-ekis sa kahabaan ng Osmeña Ave., Brgy. Linabuan Norte, Kalibo.

Sa imbestigasyon ng Kalibo PNP, 55-anyos umano na residente ng Linabuan Sur ang naturang motorista na nasa impluwensiya ng nakalalasing na alak.

Sinasabing pauwi na sana ito nang mangyari ang aksidente.

Batay sa mga nakakita, malayo palang ay pa ekis-ekis na ito at may kabilisan pa ang pagpapatakbo.

Dahil sa pagkatumba, sugat sa iba’t-ibang bahagi ang katawan ang kaniyang tinamo na agad nirespondehan ng PDRRMO

Wala namang ibang nadamay sa aksidente.