Connect with us

Aklan News

Dahil sa kalasingan, motorista sumemplang sa daan

Published

on

Sugatang isinugod sa pagamutan ang isang motorista matapos maaksidente sa minamanehong motorsiklo sa Olive Plains, Brgy. Bulwang, Numancia dakong alas-10:00 kagabi.

Kinilala ang motorista na si Mark Rama, 37-anyos, residente ng Brgy. Camanci Sur, Numancia na nasa impluwensiya ng nakalalasing na alak.

Ayon sa MDRRMO Numancia, nawalan umano ng kontrol sa pagmamaneho si Nama bunsod ng kalasingan kaya’t ito ay sumemplang.

Sugat sa ulo at ibang bahagi pa ng katawan ang tinamo nito na agad ding nilapan ng paunang lunas bago dalhin sa ospital.

Sa ngayon ay naka- confine parin ang motorista sa Aklan Provincial Hospital para sa kaukulang pagpapagamot.