Connect with us

Aklan News

Dahil sa lubak ng kalsada, motorista sumemplang

Published

on

Tumilapon sa minamanehong motorsiklo ang isang babaeng rider matapos itong sumemplang sa kalsadang sakop ng Brgy. Man-up, Altavas dakong alas-6:30 ng gabi nitong Martes.

Napag-alaman na 27-anyos na residente ng Brgy. Angas sa bayan ng Batan ang biktima.

Ayon sa mga nakakita, napadaan umano sa isang lubak ng kalsada ang rider at madulas pa ang daan dahil sa ulan kaya’t ito ay natumba.

Dahil sa aksidente, nagtamo ng sugat sa katawan ang biktima at pananakit ng kaniyang balikat.

Agad naman itong nirespondehan ng MDRRMO Altavas para dalhin ang biktima sa ospital.